March 30th, 2009

ENTRY #74: Ayoko pala talaga

[post from my Multiply]

Pakiramdam ko, matagal ko na niloloko sarili ko. Pilit kong sinasabi na natutuwa ako sa isang bagay na sa loob-loob ko talaga, ayoko siya--for good.

Honestly and selfishly speaking, ayoko pala talaga maging isang nurse.

Yes, I learned to appreciate the craft in my four years in this college. And after those four years, I managed to try loving it with all my heart. But all that, I reckoned, are just superficial--pakitang tao lang. Para lang hindi ako magmukhang tanga sa ward, na sumisimangot na ayoko sa trabahong ganun. Para lang kahit pano, masabi ko na kailangan kong aralin ang pagiging nurse para considerable ang lumabas na grades ko at hindi yung lumalagapak. At tsaka, para naman masabing tao akong may puso rin para sa mga nangangailangan; kaya imposibleng hindi ko matutuhang mahalin ang propesyong ito.

Pwes, it was all bullshit--I think.

Probably, natuwa lang ako na kahit pano, nagmumukha kang 'knowledgeable' sa harap ng mga tao pagdating sa kalusugan nila. Hindi ko na lang rin pinansin ang sarili ko kasi andun na ko. Mahirap na gumawa ng paraan palabas o umurong. Isa pa, sayang na rin ang oras. Tapusin na--para hindi magmukhang 'weakling' o duwag. Haha!  Nevertheless, di ko naman siya nakikitang 'waste of time' kasi may natutunan pa rin naman ako. Ang sinasabi ko lang, hindi talaga ito para sa kin.

Napaisip kasi ako kahapon.
"[insert my name], RN". Tss. Screw all that crap.

Hindi kasi makatao ang personality ko. I totally suck at my interpersonal aspect of intelligence. Actually, wala nga ako talaga pakialam sa ibang tao--sa iisipin nila o sa kung anong gusto nilang mangyari. To each his own, ika nga. Sa nursing pa naman, kailangan daw ang genuine desire to help improve the well-being of your patient. Puta, walang wala ako nun. Pakitang tao lang lahat. Kung tutuusin nga, sa isip-isip ko, gusto kong sabihin, "Kasalanan mo yan eh, pagbayaran mo." Tingnan mo nga. Bagay ba maging nurse ang tulad ko? Eh kung ako yung pasyente, di ko kukunin na nurse ang sarili ko eh.

Kaya pinagiisipan kong mabuti yung patutunguhan ko pagkatapos ng boards--o kung magtatake pa ba ako ng boards. Hahaha! Honestly, kaya naman ako nagreview dahil una, kailangan sa clearance; pangalawa, nakakahiya bumagsak sa boards. Alam nyo naman ang UST, very conscious sa all-that-shit-you-know-what. Kaya rin ako magboboards kasi nakakahiya rin na walang RN para sa isang graduate ng BSN program ng University of Santo Tomas. Kung titingnan mo ngang mabuti, it was all for prestige--why I got in and through this damn college life.

Tama, all for prestige lang lahat ng ito.

Naalala ko, pumayag ako magUST Nursing kasi iilan lang ang pumapasa dito. Pumayag ako kasi may magandang kinabukasan sa propesyong ito. Eh putek yan, wala ngang siguradong trabaho ngayon kaya siguro napapaisip ako ngayon.

Nakakaasar, no?

Anyway, ano ba talaga ang gusto ko? Well, since I'm already 20 years old with the sound mind and judgment to make decisions for myself, not like nung 16 years old ako na halos lured lang ako sa nursing; masasabi ko na, na ang gusto ko talaga magCFAD!

Matagal ko na vineverbalize ito. Nung second year pa nga, halos 75% decided na ko na magshishift. Pano ba naman, kitang-kita ko na sa grades ko na I am an epic failure on NURSING. First sem, 2.5 ata or 2.75. Limot ko na. Tapos second sem, 2.75. The grades pretty much say it all. Sabi nga ni Sir Sumile, "Gago, minumura ka na." Pero hindi ako nagshift kasi nahiya ako sa magulang ako. Sayang na kasi yung oras at lahat ng effort nila para lang makapasok ako sa college na toh. Leche kasi, sinabi ko na kay Ma'am Zendel at Ma'am Ger (interviewers ko nun) na ayaw ko sa nursing. Nilagay pa rin ako sa Waiting list! Grabe, kung tadhana man yun, tang-inang tadhana yan.

Kaya kung magkaroon man ako ng lakas ng loob na sabihin sa parents ko, pipilitin ko talaga sila na pumayag na magsecond course ako--BA Advertising!

Siguro, ieexplain ko na lang sa kanila na ayoko talaga maging nurse, na di ako magiging magaling na nurse, na di ako magiging masaya sa trabahong ospital at para pakonsuelo siguro, pipilitin kong kunin ang titulong RN, kahit na mabubulok rin siya eventually.

Kaya sa mga magmemed dyan sa UST, baka at *sana* magkita na lang tayo sa UST na ako ay isang CFAD student. Hehe.

Sa mga kapwa ko NASA, pasensya na pero magtutuos na lang tayo sa Pautakan! haha! Walang biro. Bwahaha!

At sa mga classmates and friends, sige na, papakilala ko na kayo sa mga lalakeng gwapo na magiging classmate ko. Alam ko namang yun ang gusto nyo eh. Hahahaha!

Yung ibang magCFAD din dyan... tell me para sabay tayo! :D

Currently feeling: listless
Posted by crammedinavoid at 08:09 AM | 2 filled the void
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

Post comment as a guest

Your name:

Your email: (will not be posted publicly)

Your website:



SEina (guest)

Comment posted on July 13th, 2009 at 01:56 AM
Wala lang napadaan ako sa blog at dahil nakuha mo ang atensyon ko sa title mo binasa ko na. Tulad mo nursing grad din ako pero may titulo ng RN at idagdag mo pa ang USRN last year lang ako grumaduate at hanggang ngayon wala pang trabaho marahil kinasusuklaman ko na ang kursong kinuha ko at tulad mo gusto ko din mag Advertising bago pa man ako tumuntong ng kolehiyo yan na ang iniisip kong kukunin ko ngunit madali akong nalinlang at dahil na din nakinig sa payo ng magulang ayun napasabak ako. Gusto ko na din magshift nung 3rd yr na ako pero naisip ko nakakahiya sa magulang ko. Ngayon pinipilit ko pa din lokohin ang sarili ko na marahil makukuha ko din magustuhan ito kahit hindi man mahalin. Tamang oras lang siguro at pagpapaliwanag sa magulang ko na hindi ako magiging masaya kung iyon man ang tatahakin ko at kapag ganun nga ipapakita ko na lang sa kanila na hindi lang naman sa pagiging nars ako magiging matagumpay.
Comment posted on March 31st, 2009 at 10:16 AM
CFAD versus Med?

I shiver. Difficult for me to make a choice..

Good luck!